I know, I am not the perfect child for you. Sobra kang bait for me. Minsan, what you deserve is yung daughter na mabait, magalang, hindi sumasagot-sagot, hindi nagsisinungaling, hindi nagdadabog kapag napagsasabihan.. Pero, ni minsan, hindi ko nakita syo na ayaw mo sa akin. Ni minsan, hindi mo ako binitawan. Ikaw ang best friend ko, ma.
Ngayon, malayo ako syo. Pasensya ka na kung hindi kita nakakasama ng madalas. Sorry ma kung hindi ako everyday nag te text syo. Once in a blue moon din lang ako tumatawag syo. Minsan lang din ako nag sasabi ng I love you syo.. Sorry kung minsan, hindi kasya yung perang pinapadala ko syo. Sorry kung minsan, ikaw nakakasagot ng mga tawag ng mga naniningil sa credit cards.. Sorry ma.. sorry sa lahat ng pagkukulang ko.. Sorry ma..
Ang palagi kong hiling is maging masaya ka. Humaba pa ang buhay mo. Dahil, hindi ko pa natutupad yung mga pangarap natin. Yung dream natin na makapasyal sa disneyland. Makapagbakasyon. Kahit saan. Yung worry-free na bakasyon. Yung everytime, gusto mo mag shopping, pwede. Yung palagi tayong magkasama sa parlor. Yung mas maraming bonding time natin sa kwarto natin na wala tayong ginawa kundi magkwentuhan tapos tumawa ng malakas.
Kahit kelan, hindi ako magsasawa ma.. Kahit araw-araw pa. Kahit pancit canton lang ang ulam ko, ikaw naman saging. Kahit araw-araw tayo manood ng mga teleserye at manlait ng mga artista. Kahit araw-araw ka pa humingi ng pang load mo skin. Kahit hindi ka nagsasalita kapag may problema ako. Yung pag-iyak mo with me, tama na sa akin yun. Kahit everyday kita turuan gumamit ng computer. Kahit araw-araw kita turuan magbasa ng mapa. Kahit ano ma, basta ikaw ang kasama ko.. kahit ano ma..
Happy birthday mama. Mahal na mahal kita. Hindi ko man sinasabi ng madalas, hindi ko man napaparamdam syo palagi, mahal na mahal kita. Sana napapasaya kita kahit paano, kahit konti.
Thank you for everything. Thank God for giving you to me. Thank you for being my best friend. I love you..

0 comments:
Post a Comment